Ngayon ko naisip na labis ko nang nasasabik na makita ang aking mga pamilya at kaibigan sa Pilipinas. Marahil sa dahilang malapit na ang pasko kaya palaging sumasagi sa aking isipan ang mga maga-gandang alaala ng nakaraan--- simbang gabi kasama ang mga kabarkada, walang katapusang kwentuhan at kainan sa ka-hanggan (wikang Batangas na ibig sabihin ay 'kapit-bahay'), sa Jollibee at sa SM. Bumili ng mga regalo sa nararating na pasko, Gumala kasama ang mga pinsan, dumalaw sa puntod ng mga Inay at Tatay... dalawin ang Nanay, mga ninang, mga inaanak (pag-iisipan ko muna kung dapat nga lang dalawin ang inaanak...hahahahaha! biro lamang~)...
Nalulungkot ako dahil hindi kami makaka-uwi nitong darating na pasko. Abala si Tommy sa kanyang trabaho, at ako naman ay nagkaroon ng espesyal na klase sa Ingles sa aming institusyon na sisimulan sa darating na bakasyon (Tag-lamig). Nangako kami noong nakaraang taon na darating kaming tatlong pamilya nitong pasko, subalit sa kawalan ng sapat na oras at salapi, pinag-kasunduan namin na ipag-paliban ang aming plano sa susunod na taon. Marahil sa isang taon sapat nang panahon iyon para matapos namin ang aming pinagkaka-abalahan sa ngayon at matupad na namin ang aming pangako.
Comments